PatrolPH

2 dating preso arestado sa droga sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Jul 05 2019 04:35 AM

DAVAO CITY—Balik-kulungan ang 2 dating preso matapos mahuli sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Davao City nitong Huwebes.

Unang nahuli sa Barangay 33-D ang padyak driver na si alyas Pungkol na nakuhanan ng 2 sachet ng hinihinalang shabu na may halagang P2,000.

Samantala, nasamsam naman sa tinderong si alyas Toti ang P10,000 halaga ng umano'y shabu sa operasyon sa Barangay Lapu-Lapu.

Ayon sa pulisya, kakalabas lang nitong taon ng mga suspek dahil sa plea bargaining agreement, pero bumalik sila sa ilegal na gawain.

"Makikita natin na patuloy ina-abuse nila ang plea bargaining," ani Police Lt. Jeffrey Bangcas ng Sta. Ana police.—Ulat ni Claire Cornelio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.