Leptospirosis outbreak idineklara ng DOH sa ilang lugar sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Jul 05 2018 04:31 PM | Updated as of Jul 05 2018 04:43 PM

Nagdeklara na ng leptospirosis outbreak ang Department of Health (DOH) sa ilang barangay sa Metro Manila.

Ayon kay Health secretary Francisco Duque III, mula sa 148 kaso ay umakyat na ito sa 299 o katumbas ng 102 porsiyentong pagtaas sa kaso ng naturang sakit.

Partikular aniya na may outbreak sa mga barangay sa Mandaluyong, Pasig, Taguig, at Quezon City kung saan mataas ang kaso ng leptospirosis.

Watch more in iWant or TFC.tv

Dahil dito, ipag-uutos ng DOH sa mga ospital ng mga nabanggit na siyudad na paigtingin ang kanilang clinical management sa leptospirosis.

Paalala naman ng DOH sa publiko, kung may lagnat na nang dalawang araw lalo na kung lumusong sa baha, agad na komonsulta sa pinakamalapit na health center upang mabigyan ng agarang lunas.

—Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.