PatrolPH

Motorcycle rider patay, angkas sugatan sa aksidente sa Iloilo City

ABS-CBN News

Posted at Jul 04 2021 11:39 AM

Motorcycle rider patay, angkas sugatan sa aksidente sa Iloilo City 1
Patay ang isang motorcycle rider matapos bumangga sa poste ng kuryente sa Jaro, Iloilo City noong Hulyo 3, 2021. Retrato mula sa Jaro police

Patay ang isang motorcycle rider habang sugatan naman ang kaniyang angkas matapos bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa poste ng kuryente sa Iloilo City nitong Sabado.

Kinilala ng mga awtoridad ang nasawi bilang si Francisco Loscoña, 32, habang ang nasugtang angkas ay si Mamerto Capilisa, 26.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, tinatahak ng dalawa ang C1 Road sa Barangay Tacas nang mawalan ng kontrol si Loscoña sa motorsiklo dahil sa nag-overtake na sasakyan, dahilan para mabangga nila ang poste.

Agad isinugod sa ospital ang dalawa pero idineklarang dead on arrival si Loscoña.

Wala rin umanong suot na helmet ang dalawa nang mangyari ang aksidente.

Hindi naman natukoy ng mga awtoridad ang saskayang nag-overtake sa dalawa.

— Ulat ni Rolen Escaniel

FROM THE ARCHIVES

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.