PatrolPH

Lalaking dawit sa murder, patay sa engkuwentro sa Davao del Norte

ABS-CBN News

Posted at Jul 04 2021 02:00 PM

Patay ang isang lalaking dawit sa reklamong murder matapos makaengkuwentro umano ng mga awtoridad sa bayan ng Asuncion, Davao del Norte, sabi ng pulisya.

Aarestuhin dapat ng mga pulis ang suspek na si Cortes Dumayungan sa Barangay New Santiago noong Huwebes nang bumunot at magpaputok ito ng baril, ayon sa imbestigasyon.

Dinepensahan umano ng mga pulis ang kanilang mga sarili pero napatay ang suspek.

Kasama sa mga listahan ng mga most wanted sa Davao de Oro si Dumayungan, na dawit sa mga kasong frustrated murder at murder.

Nakuha sa crime scene ang isang baril, holster, mga bala, personal na gamit at pera ng suspek.

— Ulat ni Hernel Tocmo

FROM THE ARCHIVES

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.