Negros Occidental nadagdagan ng 9 na bagong kaso ng COVID-19

ABS-CBN News

Posted at Jul 04 2020 11:54 PM

NEGROS OCCIDENTAL - Nakapagtala ng 9 na bagong kaso ng COVID-19 ang lalawigang ito nitong Sabado, ayon sa Department of Health (DOH) Western Visayas.

Ang mga bayan ng Calatrava at Toboso ay may tig-3 bagong kaso ng sakit, base sa pinakahuling bulletin ng DOH Region 6.

May tig-1 naman na nag-positibo sa mga bayan ng Manapla, Pontevedra at La Castellana. 

Sa kabuuan, may 118 positive cases sa lalawigan at lahat ng ito ay nasa quarantine facility ng probinsiya. - Ulat ni Mitch Lipa, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.