Matapos ang ilang linggo, price rollback sa ilang produktong petrolyo inaasahan

ABS-CBN News

Posted at Jul 04 2020 06:14 PM

Pagkatapos ng siyam na sunod-sunod na linggong may oil price hike, may rollback sa presyo ng produktong petrolyo simula Martes, Hulyo 7. 

Maglalaro sa P0.70 hanggang P0.80 kada litro ang bawas-presyo sa gasolina. 

Nasa P0.30 hanggang P0.40 kada litro naman ang bawas-presyo sa kerosene.

Wala namang inaasahang galaw sa presyo ng diesel dahil napako ang presyo nito sa World Market. 

Sa kabuuan, mula Mayo 5, kapag sinuma ang lahat ng naging oil price hike, umabot ito nang mahigit P10 kada litro sa gasolina, mahigit P8 sa diesel, at halos P9 sa kerosene.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.