Rider patay sa aksidente sa Negros Occidental

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Jul 04 2019 05:54 PM

Sakay ng motorsiklo ang biktima nang mabangga sa sinusundang sasakyan sa bayan ng Murcia. Hango sa video na kuha ni Mark Cabrillos

Patay ang isang 20 anyos na rider matapos magtamo ng malubhang sugat sa ulo at dibdib nang mabangga ang kaniyang motorsiklo sa isang sasakyan sa bayan ng Valladolid sa Negros Occidental noong Miyerkoles.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktimang si Joefil Moraka, pero pumanaw rin ito Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa pulisya, nabangga ni Moraka ang sasakyan na sinusundan nito na nag U-turn sa Purok 4, Barangay Palaka. 

Base sa mga nakasaksi sa aksidente hindi umano nag-signal ang sasakyan na liliko ito at mabilis naman ang takbo ng motorsiklo ni Moraka na walang suot na helmet.

Hinihintay pa ng pulisya kung magkakaroon ng areglo sa panig ng pamilya ni Moraka at ng 62 anyos na driver ng sasakyan na sumuko naman sa awtoridad.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.