PatrolPH

Dump truck ng isang construction company sinunog ng mga armadong lalaki

Charmane Awitan, ABS-CBN News

Posted at Jul 04 2019 05:52 PM

Dump truck ng isang construction company sinunog ng mga armadong lalaki 1

SISON, Surigao del Norte - Sinunog ng mga hinihinalang rebelde ang isang dump truck na pagmamay-ari ng isang construction company, Lunes ng umaga sa bayang ito.

Sa imbestigasyon ng Sison Municipal Police Station, bumiyahe ang dump truck na minamaneho ng isang Maximo Dumaguit dito sa bayan nang harangin ng nasa 10 armadong lalaki. 

Pinaniniwalaang mga miyembro ng New People's Army ang mga lalaki na pinangungunahan umano ng isang Pablo Logatiman alyas Lucas ng Guerilla Front 16.

Ayon sa pulisya, inutusan ng mga lalaki ang drayber na bumaba sa trak at agad nilang sinunog ang sasakyan gamit ang mga tuyong dahon.

Tatlong kilometro ang layo ng pinangyarihan sa national highway.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.