PatrolPH

Buntis nakuhanan ng P800,000 halaga ng 'shabu' sa Bacolod

ABS-CBN News

Posted at Jul 04 2019 04:03 AM

NEGROS OCCIDENTAL—Arestado ang isang buntis habang nakatakas ang kaniyang kinakasama sa buy-bust operation sa Barangay 2, Bacolod City, Negros Occidental Miyerkoles ng hapon.

Nasamsam sa 19 anyos na suspek ang 17 sachet ng hinihinalang shabu na may halagang P800,000.

Ayon kay Police Lt. Col. Leonardo Borromeo ng Bacolod City Police Office, itinuturing nilang high-value target ang mag-live-in partner na pawang miyembro umano ng isang drug group sa lungsod.

Giit naman ng suspek, hindi niya pagmamay-ari ang mga nakumpiskang droga.

Sasampahan siya at kaniyang kinakasama ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.—Ulat ni Nico Delfin, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.