PatrolPH

AWOL na sundalo, patay sa pamamaril sa Guihulngan

ABS-CBN News

Posted at Jul 04 2019 04:05 AM

NEGROS ORIENTAL—Patay ang isang AWOL na sundalo matapos pagbabarilin ng mga hinihinalang miyembro ng New People's Army (NPA) sa Guihulngan City, Negros Oriental Miyerkoles ng umaga.

Pauwi na sana sakay ng kaniyang motorsiklo si Andy Castor, 41 anyos, nang pagbabarilin ng nasa 5 lalaki sa Barangay Magsaysay.

Ayon sa pulisya, kasama ni Castor ang asawa na kaniyang sinundo sa paaralan sa karatig barangay nang mangyari ang krimen. Dinala pa ospital si Castor pero binawian din ng buhay.

Naniniwala ang pulisya na mga miyembro umano ng NPA ang nasa likod ng insidente. Nag-AWOL (absent without official leave) si Castro sa Philippine Army mula pa noong 2009.—Ulat ni Nico Delfin, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.