6 arestado sa buy-bust sa QC apartelle

ABS-CBN News

Posted at Jul 04 2019 04:31 PM

Anim ang arestado sa isang buy-bust operation na ikinasa ng Quezon City Police District (QCPD) sa isang apartelle sa Novaliches Miyerkoles ng gabi.

Nangyari ang operasyon alas-11:30 ng gabi sa Starcia Apartelle sa may Quirino Highway, Barangay Bagbag, ayon sa ulat ng QCPD.

Nakuha sa 6 na suspek- na kinabibilangan ng 4 na lalaki at 2 babae — ang 18 sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na nasa 10 gramo at nagkakahalaga ng P68,000.

Dalawa sa mga suspek ay dati nang kinasuhan dahil din sa pagkakadawit sa ilegal na droga, ayon sa QCPD.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. -- Ulat ni Jaehwa Bernardo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.