Nakalaylay na lang sa bintana ng isang abandonadong barangay outpost ang katawan ng isa sa mga suspek na umano'y nanlaban sa mga pulis sa lungsod ng Caloocan. Bianca Dava, ABS-CBN News
MAYNILA - Patay ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga, na nanlaban umano sa mga aarestong pulis sa Barangay 170, Caloocan City, Martes ng madaling araw.
Kinilala lamang ang mga napatay na suspek sa alyas na Song, JR at Abet, pawang mga nakalagay sa drugs watch list ng mga pulis sa nasabing barangay.
Sa inisyal na imbestigasyon, napag-alamang sangkot din ang tatlo sa mga insidente ng robbery at karnaping, maliban sa pagtutulak ng droga.
Ayon sa pulisya, pasado alas-3:00 ng madaling araw ng kanilang ikasa ang buy-bust operation laban sa mga suspek na agad nakahalata sa mga nakatransaksiyong pulis.
Nauna anilang bumunot at magpaputok ng baril ang mga suspek dahilan para gumanti ng putok ang mga pulis. Bagama't walang pulis na nasugatan, nadaplisan naman ang isa nilang motorsiklo.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
War on Drugs, Drugs, Crime, Manila, Police, Caloocan City, PatrolPH, Tagalog News