PatrolPH

Patay na sperm whale natagpuan sa dagat sa may Sarangani

ABS-CBN News

Posted at Jul 03 2022 02:49 PM

Natagpuang patay ang isang sperm whale sa dagat sa may Glan, Sarangani. Retrato mula sa Sarangani maritime police
Natagpuang patay ang isang sperm whale sa dagat sa may Glan, Sarangani. Retrato mula sa Sarangani maritime police

Isang sperm whale ang natagpuang patay sa dagat sa may bayan ng Glan, Sarangani nitong nagdaang linggo, ayon sa pulisya.

Sa retratong ipinadala ng Sarangani maritime police, makikitang nagsimula nang ma-decompose ang labi ng hayop nang matagpuan ito noong Lunes, Hunyo 27.

Batay sa pagsusuri ng mga awtoridad, may haba na 25 na talampakan ang sperm whale at timbang na 2 tonelada.

Nai-turn over ang sperm whale sa protected area management board para maialis ito sa dagat.

Inaalam pa ang sanhi ng pagkamatay ng hayop.

— Ulat ni Hernel Tocmo

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.