PatrolPH

Mga abo ni Atty. John Laylo, pansamantalang iuuwi sa kanilang tirahan

Reiniel Pawid, ABS-CBN News

Posted at Jul 03 2022 01:29 PM

Larawan mula kay Ann Laylo.
Larawan mula kay Ann Laylo.

Pansamantalang mananatili sa kanilang tirahan sa Makati City ang mga abo ni John Laylo, ang abogadong namatay sa Amerika matapos barilin ang sinasakyang Uber car nitong Hunyo. 

Ayon kay Ann, kapatid ni John, nais muna nilang pamisahan sa kanilang bahay ang mga abo ng abogado. Na-cremate ang mga labi ni John umaga ng Linggo.

"Mga 1 week muna sa bahay tapos misa, then ilipat na sa kolumbaryo," ani Ann.

Si John ay naging biktima ng shooting incident sa Philadelphia, USA nitong June 18.

Bago mai-cremate bumisita sa kaniyang burol ang mga kaibigan, kapamilya at katrabaho ni John.

Kabilang sa mga nakiramay ay sina Atty. Chel Diokno na dumating nitong Huwebes, dating Vice President Leni Robredo nitong Biyernes, at Migrant Workers Secretary Toots Ople nitong Sabado.

Inalala ng kaniyang mga kapamilya si John bilang isang mapagmahal at mapagbigay na tao.

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.