PatrolPH

Jewelry shop, biktima ng ‘salisi gang’ sa Naga City

ABS-CBN News

Posted at Jul 03 2022 01:44 PM

Larawan mula sa Naga City Police Office.
Larawan mula sa Naga City Police Office.

Ninakawan ng higit P1.4 milyong halaga ng mga mamahaling singsing ang jewelry store sa isang mall sa Naga City, Camarines Sur nitong Sabado.

Ayon sa imbentaryo ng alahero, 80 gold rings na iba't iba ang karat ang natangay ng 7 responsable na mala-‘salisi gang’ ang istilo.

Kwento ng saleslady, may halos magkakasabay na pumasok na 2 babae at 5 lalaki sa jewelry shop, magtatanghali kahapon. 

Habang tumitingin sa mga display cases ang inakala niyang mga kustomer, isa umano rito ang lumapit sa saleslady at nagtanong tungkol sa mga pendant. 

Nagpaalam umano ito para mag-withdraw ng pera sa ATM, ilang sandali matapos lisanin ng kasamahan ang shop.

Dito na umano napansin ng saleslady na nawawala na ang mga alahas sa isang estante.

Nag-iimbestiga na ang Naga City Police Office sa insidente. Inisa-isa nila ang CCTV footage sa buong mall para mahuli at mapanagot ang mga responsable.

— Ulat ni Jonathan Magistrado

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.