Quiapo church bukas na muli matapos ang 14-araw na lockdown

Fred Cipres, ABS-CBN News

Posted at Jul 03 2020 07:46 AM

MAYNILA — Muling nagbukas nitong Biyernes ang simbahan ng Quiapo o Minor Basilica of the Black Nazarene matapos ang 14 na araw na pagsasailalim nito sa lockdown.

Bandang alas-5 ng madaling araw ay nagpapasok ng 10 mananampalataya sa loob ng simbahan habang ang iba naman ay nasa Plaza Miranda at magkabilang gilid ng kalsada

May ipinatutupad na physical distancing kahit sa labas ng simbahan. May mga marka kung saan puedeng tumayo ang mga deboto.

Ayon kay Monsignor Hernando Coronel ng Quiapo church, napagdesisyunan nila na buksan na ang simbahan dahil nagnegatibo naman sa rapid test ang 81 na mga pari at church workers ng naturang simbahan.

Sa ngayon ay marami na ding mga deboto ng Nazareno ang nagsipunta nitong umaga.

Pahirapan na din ang paghahanap ng mapaparadahan dahil sa dami ng sasakyan at motorsiklo sa lugar.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.