'Pantawid ng Pag-ibig': Pagkain hatid sa 400 pamilya sa barangay sa Rizal

ABS-CBN News

Posted at Jul 03 2020 09:31 PM | Updated as of Jul 04 2020 12:10 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Patong-patong na problema ang pinagdadaanan ngayon ng pamilya ng 61 anyos na si Lucy Bautista ngayong may banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). 

Bukod kasi sa kawalan ng kabuhayan, na-stroke pa ang kaniyang asawang mangingisda ilang araw bago mag-enhanced community quarantine. 

“Pinapa-rehab nga po eh hindi naman namin napa-rehab, iyong sinasabi nilang therapy,” ani Bautista. 

Siyempre po mahirap, kasi po nasanay ako na ang asawa ko nandiyan naghahanapbuhay siya ako ay nagtitinda tapos bigla siyang natigil tapos sumabay pa itong lockdown na hindi nakakaano itong dalawang anak ko,” dagdag niya. 

Natigil sa pananahi si Bautista, maging ang single parent na anak na si Josephine. 

Ngayong nawalan siya ng trabaho bilang tindera sa palengke, sinubukan muna niyang gumawa at magbenta ng mga kakanin. 

“Naiiyak po kasi ako kasi ang hirap po eh pero thank you pa rin po kasi nandiyan iyong mga magulang ko iyong mga kapatid ko tumutulong sa aming mag-ina,” maiyak-iyak na kuwento ni Lucy. 


Tanging libangan daw nina Lucy ang manood ng telebisyon. Pero dismayado silang nawala na ang paborito nilang mga Kapamilya show. 

“Wala nalungkot siyempre kasi sa totoo lang, ABS-CBN kami eh kasi naroon na iyong naumpisahan namin na sa hanggang ano, nasubaybayan namin lahat,” ani Rain, apo ni Lucy. 

Kabilang ang pamilyang Bautista sa mga natugunan ang pangangailangan sa pagkain nang makatanggap ng pagkain ang aabot sa 400 pamilya sa Barangay Pila-Pila sa Binangonan, Rizal. 

Tugon ito ng “Pantawid ng Pag-ibig” ng ABS-CBN sa request na ipinadala ng isa sa kanilang mga kagawad. 

“Kada dadaan kami, [may magsasabi]: ‘Kagawad, kagawad, baka naman meron kayong kahit bigas lang.’ So doon naantig ang puso ko na kailangan kong gumawa ng paraan hindi ako maghihintay ng lalabas iyong pondo ng barangay. Nag-try ako sa marami at salamat naman at may sumasagot katulad ng ABS-CBN na talagang nandiyan,” ayon kay Johanner Nido, kagawad ng barangay. 

Handa naman daw ang Sagip Kapamilya, na nangangasiwa sa proyekto, na tumulong sa mga nangangailangan hangga’t may mga nagbibigay pa ng kanilang mga donasyon, ayon kay Sagip Kapamilya Operations Manager Earl Bacbac. 

“Tayo naman po sa Sagip Kapamilya ay handa lagi tumulong para sa ating mga kababayan hangga’t meron po tayong mga donors na patuloy din pong nagtitiwala sa atin mga ginagawa. Sa lahat po ng sumusuporta sa ABS-CBN at sa ABS-CBN Foundation, nawa’y hindi po silang magsawang sumuporta sa ating mga ginagawa,” ani Bacbac. 

Nagpapasalamat ang ABS-CBN sa mga sumusunod na partner sa proyekto:

  • Century Pacific Food, Inc.
  • Rebisco
  • Suy Sing Corporation
  • Lucio Tan Group, Inc
  • McDonald’s
  • Safeguard
  • Quick Chow Noodles
  • Great Taste 3 in 1
  • Sunsilk Shampoo
  • Mega Sardines
  • Generika Drugstore
  • Champion Detergent
  • Unilab
  • Ritemed
  • Hana Shampoo
  • Coca-Cola
  • Colgate Palmolive
  • Kopiko
  • Ligo Sardines
  • CDO Foodsphere
  • IPI
  • Lucky Me
  • PayMaya

Nagpapasalamat din ang ABS-CBN sa mga sumusunod

  • Accredited Service Providers Association of Pagcor (ASPAP)
  • Intermed Marketing Phils, Inc
  • Motortrade Life and Livelihood Assistance Foundation Inc.
  • Pampanga's Best
  • RFM Fiesta Pasta
  • Wilcon Depot
  • Aboitiz Group
  • Benby Enterprises Inc.
  • Bistro Group
  • Champion Detergent Bars
  • Coca-Cola
  • Green Cross
  • Greenwich Binondo Branch
  • Hanabishi
  • Jollibee Binondo Branch
  • Chowking Binondo Branch
  • Kenny Rogers Roasters
  • Lemon Square
  • Master Sardines
  • Nature’s Spring
  • NutriAsia
  • Philippine Egg Board Association
  • Poten-Cee
  • Silka Soap
  • Starbucks Philippines
  • Sun Life Foundation
  • Tolak Angin
  • Century Pacific Foundation
  • JP Morgan
  • Suy Sing Commercial Corporation
  • Ajinomoto
  • Beautederm Corporation
  • Cebuana Lhuillier Foundation Inc
  • Deli Mondo Food Specialties Inc
  • JAKA Group
  • GCash
  • Lazada
  • P&A Grant Thornton Foundation Inc
  • PICPA Metro Manila
  • Rotary Club of Makati
  • SC Johnson
  • SEAOIL
  • TIM IT Company

Nagpasalamat din ang kompanya sa Armed Forces of the Philippines, Air21, Entrego, Air Power, Grab Bayanihan, at Mober na tumulong sa paghahatid ng mga ayuda, at sa Lazada na nagsilbing payment partner.

Kung nais pang tumulong sa kampanya, maaaring ipaabot ang tulong-pinansiyal dito:

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News