Higit P2-M halaga ng shabu nasabat sa Taguig; 2 babae tiklo

Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Posted at Jul 03 2020 06:13 AM

MAYNILA - Nakumpiska ng pulisya ang nasa P2,040,000 halaga ng shabu nang magsagawa sila ng buy-bust operation sa Barangay Lower Bicutan, Taguig nitong Huwebes ng gabi.

Dalawang babae ang arestado sa operasyon -- ang target ng buy-bust na si "Sittie", 41, pati ang kaibigan nitong si "Julie", 18.

Ayon kay Police Capt. Ramon Aquiatan Jr., hepe ng drug enforcement unit ng Northern Police District, tinuturong source si Sittie ng nauna nilang nahuli na drug personality sa Bgy. 28, Caloocan noong Martes.

Dagdag ng pulisya, supplier din umano si Sittie ng mga street pusher at nagbebenta sa mga kakilala sa pamamagitan ng online bago papuntahin sa bahay.

Itinanggi ng suspek na siya ang nakatransaksyon ng pulis.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.