MILF leader umano timbog sa buy-bust sa Antipolo

ABS-CBN News

Posted at Jul 03 2019 03:29 PM

Naaresto ng pulisya sa buy-bust operation sa Antipolo City noong Martes ang isa umanong pinuno ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ikinasa ang operasyon bandang 6:30 ng umaga noong martes sa Barangay Dela Paz, na nauwi sa pagkakaaresto kay Jamel Borar, ayon sa ulat ni Brig. Gen. Edward Carranza, direktor ng Calabarzon police.

Si Borar ang umano ay brigade commander ng Northeastern Mindanao Force ng Bangsamoro Islamic Armed Forces ng MILF na nakabase sa Lanao del Sur, ani Carranza.

Dinampot din ng pulisya ang kasamahan ni Borar at umano ay tulak na si Princess Lumpa.

Maywarrant of arrest laban kay Borar para sa kasong murder mula sa Lanao Del Sur Regional Trial Court.

Iniuugnay din si Borar sa pananambang noong Oktubre sa Kapai, Lanao Del Sur, na ikinasawi ng 5 tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency, ani Carranza.

Nakuha sa mga suspek ang 10 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P375,000.

--Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CB News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.