Mga nahuling 'tambay' sa Metro Manila, pumalo na sa higit 28,000

ABS-CBN News

Posted at Jul 03 2018 02:15 PM | Updated as of Jul 08 2019 02:42 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Pumalo na sa 28,087 ang mga nahuli ng pulis dahil sa sari-saring paglabag sa iba't ibang ordinansa ng barangay at siyudad sa Kamaynilaan. 

Kabuuang bilang ito na naitala ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa buong Metro Manila mula Hunyo 13 hanggang alas-5 ng umaga ng Hulyo 3.

Pinakamarami ang naitalang lumabag sa smoking ban (8,308), umiinom sa pampublikong lugar (4,139), hindi pagsusuot ng damit pang-itaas (4,150), hindi sumusunod sa curfew (4,943), at iba pa (6,547).

Nagtala ang Eastern Police District ng pinakamaraming huli na pumalo sa 11,937.

Kabuuang bilang ng mga nahuli sa Kamaynilaan:

• Eastern Police District – 11,937 (42.50 porsiyento)
• Southern Police District – 6,047 (21.53 porsiyento)
• Quezon City Police District – 4,324 (15.40 porsiyento)
• Manila Police District – 2,950 (10.50 porsiyento)
• Northern Police District – 2,829 (10.07 porsiyento)
TOTAL: 28,087

Samantala, sa lahat ng mga nahuli ay tatlo na lamang ang nasa kustodiya ng pulisya.

Nasa 15,000 ang pinagsabihan lamang at agad na pinauwi. Higit 9,000 naman ang nakapagpiyansa, habang nasa 4,000 ng tuluyang kinasuhan.

--Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.