PatrolPH

5 dayuhan nahulihan ng higit P3 milyong halaga ng umano’y shabu

ABS-CBN News

Posted at Jul 02 2022 01:28 PM

Larawan mula sa PDEA 3
Larawan mula sa PDEA 3

Timbog ang apat na Chinese at isang Taiwanese sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Dongalo, Parañaque City, Huwebes ng hapon.

Nakuha sa mga dayuhan ang isang kahong naglalaman ng nasa 500 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P3.45 milyon. 

Nakuha rin ang tatlong ID, dalawang cellphones, isang asul na pitaka, at marked money na ginamit ng poseur-buyer.

Ang operasyon ay isinagawa ng PDEA Central Luzon, PDEA-NCR, PDEA-SES, Parañaque police at SPD DEU-DID Marina Seaview Pacific Avenue.

Ayon sa mga awtoridad, ang paghuli ay bunga ng isang buwang casing at surveillance. Inihahanda na ang mga kaso laban sa mga nahuli.

— Ulat ni Gracie Rutao

IBA PANG ULAT:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.