Sundalo patay sa pananambang sa Negros Oriental

Mark Salanga, ABS-CBN News

Posted at Jul 02 2020 11:16 AM

GUIHULNGAN CITY - Patay ang isang sundalo matapos tambangan ng umano’y miyembro ng New People's Army sa Guihulngan City, Negros Oriental nitong Martes ng hapon.

Tinambangan si Corporal Mark Anthony Quioschon ng umano'y miyembro ng special partisan unit ng NPA, ayon kay Major Cenon Pancito, spokesperson ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army.

Magsasagawa sana ng community support program sa Barangay Luz ang sundalo, ayon kay Pancito.

Isa umano itong uri ng paghihiganti, ayon kay Pancito, matapos mamatay ang 5 miyembro ng NPA sa isang engkwentro laban sa tropa ng gobyerno sa bayan ng Mabinay, Negros Oriental noong Hunyo 18.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.