Industrial area sa Valenzuela, nasunog; residential area sa Makati natupok din

ABS-CBN News

Posted at Jul 02 2020 10:49 PM | Updated as of Jul 03 2020 12:13 AM

MAYNILA (UPDATE)- Isang industrial area sa Valenzuela City ang natupok nitong Huwebes.

Matapos ang humigit-kumulang 5 oras, naapula na rin ang sunog sa naturang industrial area sa Lawang Bato.

Alas-4:30 ng hapon itinaas ng Bureau of Fire Protection sa ikalawang alarma ang sunog sa establisyimento sa Sitio Malinis. 

Batay sa inisyal na impormasyon ng BFP, isa itong manufacturer at importer ng electrical components. 

Pansamantalang isinara ang bahagi ng Sitio Malinis dahil sa sunog, batay sa anunsyo ng Valenzuela city government.

Samantala, nasunog din ang isang residential area sa kanto ng Malvar at Macabulos Street sa Barangay Bangkal, Makati City. 

Itinaas ng BFP sa unang alarma ang sunog alas-9 ng gabi, at naapula ito bago mag alas-10 ng gabi.--Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.