MAYNILA — Isinailalim na sa huling review ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang kontrobersiyal na "Anti-Terror Bill" bago ito dalhin sa mesa ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque nitong Huwebes.
"Wala na po sa mesa ng deputy assistant secretary for legal affairs at inilipat na po iyan sa tanggapan ni Executive Secretary for final review. At ibig sabihin po mayroon na pong memorandum recommending a course of action for the President, subject for final approval na lang po siguro iyan ni Executive Secretary at dadalhin na po sa mesa ni Presidente," ani Roque.
Hanggang Hulyo 8 maaaring aksyunan ni Duterte ang Anti-Terror Bill bago ito mag-lapse into law.
Maaaring pirmahan o i-veto ni Duterte ang panukala.
Sakaling aprubahan ni Duterte, mabibigyan ng ngipin ang kasalukuyang batas pagdating sa pagpapanagot sa mga sangkot sa terorismo.
Umalma naman ang mga netizen at human rights group sa naturang panukala dahil pinangangambahan nilang magamit ito laban sa kritiko ng administrasyon.
Para sa grupong Concerned Lawyers for Civil Liberties, walang sapat na pangontra ang panukala laban sa pang-aabuso ng batas.
Pinalawak din daw ang kahulugan ng terorismo at inaagaw umano ng ehekutibo ang kapangyarihan ng mga korte
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPh, Tagalog news, balita, Anti-terror bill, Executive Secretary, Salvador Medialdea, terorismo