PatrolPH

Sa pagbalik ng F2F graduation: Ilang graduates, guro binalikan ang mga pagsubok

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Jul 01 2022 04:06 PM

 Face-to-face graduation rites sa isang Senior High School sa Quezon City. Screengrab 
Face-to-face graduation rites sa isang Senior High School sa Quezon City. Screengrab 

MAYNILA - Mangiyak-iyak si Marilyn Oro nang dumalo sa face-to-face graduation rites ng mga estudyante niya sa San Juan. 

Nanumbalik sa kaniya ang mga pinagdaanan, mula sa paggamit ng modules at online classes hanggang sa payagan silang mag-face to face classes. 

"Masayang-masaya kami. Hindi namin maipaliwanag iyong damdamin namin bilang guro kasi dalawang taon nga, lagpas dalawang taon kami ay nagkikita lang kami online," ani Oro. 

Proud parent din si Joan Deapera dahil bukod sa naitawid ang blended learning, honor student pa ang kaniyang anak. 

"First time namin magpa-graduate ng elementary kaya overwhelming po," ani Deapera. 

Ayon kay San Juan Mayor Francis Zamora, may mga protocols silang sinusundan para ma-kontrol ang bilang ng tao tuwing may graduation. 

Ang Quezon City naman, pinagiisipan na nila na palawakin pa ang mga aktibidad sa susunod na school year. 

"Mas mararamdaman ng mga bata, na makakasama iyong kanilang mga guro at mas matututo sila," ani QC Public Schools District Supervisor Jeffrey De Guzman. 

Inalala naman ng graduating student na si Richelle Mae Ballesteros ang mga pagsubok ng distance learning. 

Maaalaalang binalik ang graduation rites sa mga paaralang nasa Alert Level 1 at 2, sa bisa ng isang Department of Education memorandum na ipinasa sa nagdaang administrasyon. 

Hybrid ang set-up, na ibig sabihin ay susunod sa ilang pandemic protocols ngayong may banta pa rin ng COVID-19. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.