PatrolPH

22 opisyal, pulis, doktor pinapakasuhan ng murder dahil sa pagkamatay ng 8 inmate

ABS-CBN News

Posted at Jul 01 2022 09:39 PM | Updated as of Jul 02 2022 07:25 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA—Nasa 22 opisyal, pulis at doktor ng National Capital Region Police Office ang pinapakasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ng murder matapos umanong magsabwatan sa pagkamatay ng walong inmate.

Lumalabas sa imbestigasyon ng NBI na posibleng hindi namatay sa COVID-19 ang mga bilanggo dahil sa sari-saring irregularidad. Ginamit umano ang pandemya para takpan ang pagpaslang sa kanila.

Ayon sa imbestigasyon ng NBI, hindi nagtutugma ang mga salaysay ng mga pulis tungkol sa pagkakahawa umano sa COVID-19 ng mga inmate, kumpara sa salaysay ng mga testigo, records, at CCTV footage na nakuha mula sa Bureau of Corrections (BuCor).

Lumalabas din sa kanilang pagsusuri ng records ng BuCor na maraming irregularidad na nangyari mula sa pagkaka-dokumento ng sakit ng mga inmate hanggang sa paglipat ng pasilidad, at pagkamatay.

Bagamat agad na-cremate ang bangkay ng mga inmate, at hindi nabigyan ng pagkakataon para ma autopsy at malaman kung ano ang sanhi ng kanilang pagkamatay, ayon sa NBI, hindi rin nagtutugma ang nakitang medical profile ng mga inmate kumpara sa lumabas na record na pagkamatay ng mga inmate.

Kapansin pansin din daw na ang pagkaka-assign ng kwarto sa mga inmate nang magka COVID-19 umano sila, ay naaayon sa kaso ng kanilang krimen.

Isinampa ng NBI death investigation division ang reklamo sa Department of Justice (DOJ) kung saan pag-aaralan ito ng piskalya.—Ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.