PatrolPH

Suspek sa panghahalay sa preschooler, arestado

ABS-CBN News

Posted at Jul 01 2021 10:27 AM

Suspek sa panghahalay sa preschooler, arestado 1
Agad na naaaresto ang suspek sa pangahahalay sa isang preschooler sa Nueva Ecija. Larawan mula sa Talavera Police

Hindi na nakapalag pa ang 52-anyos na lalaki na suspek umano sa panggagahasa sa isang preschooler sa Nueva Ecija.

Martes ng hapon ng arestuhin si alyas Victor ng mga tauhan ng Talavera Police.

Positibong kinilala ng mismong biktima ang suspek na siyang humalay sa kanya noong umaga ng Martes.

Nasampahan na ng kasong rape ang suspek.

- Ulat ni Gracie Razon Rutao

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.