PatrolPH

3 banyaga timbog sa droga, ilegal na baril sa Pampanga

ABS-CBN News

Posted at Jul 01 2021 12:52 AM

Tiklo ang 3 banyaga dahil sa umano'y pagkakasangkot nila sa droga at mga di lisensyadong baril sa lungsod ng Mabalacat, Pampanga nitong Miyerkoles.

Sa bisa ng search warrant pinasok ng mga operatiba ang isang apartment sa Barangay Duquit, pero nakatunog umano ang isa sa mga suspek at kaagad tumakas sakay ng puting SUV. 

Inaresto ang tatlong niyang mga kasama.

Nakuha sa kanila ang isang caliber .45 pistol, caliber .380 pistol, mga bala at magazine, 5 sachet ng hinihinalang shabu, 2 sachet ng hinihinalang dried marijuana, at 45 piraso ng ecstasy tablet.

Nasa P250,000 umano halaga ng mga nakumpiskang kontrabando.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 at RA 10591 ang mga nahuling suspek habang patuloy pang pinaghahanap ang kasama nilang nakatakas. — Ulat ni Gracie Rutao

KAUGNAY NA BALITA

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.