PatrolPH

2 lalaking nanghablot ng cellphone, nakuhanan din ng shabu sa Davao de Oro

ABS-CBN News

Posted at Jul 01 2021 12:48 AM

Nahuli ng pulisya ang 2 lalaking nanghablot umano ng cellphone ng isang college student sa bayan ng Mabini, Davao de Oro, Martes ng umaga.

Kwento ng 28-anyos na lalaking biktima, naglalakad siya sa kalsada nang pwersahan umanong kinuha ng mga suspek ang kaniyang cellphone bago tumakas.

Pero ilang minuto ang nakalipas at inaresto rin sa manhunt operation sina Erolyn Fuentes, 22, at Jayson Bangot, 19, na positibong itinuro ng biktima.

Narekober mula kay Fuentes ang cellphone ng biktima. 

Pero nakuha rin mula sa suspek ang lalagyan ng kendi na may laman umanong 2 pakete ng hinihinalang shabu. 

Sinampahan ng kasong robbery at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. —Ulat ni Hernel Tocmo

KAUGNAY NA BALITA

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.