MAYNILA (UPDATE) - Aabot sa P70 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa buy-bust operation sa Meycauayan, Bulacan nitong Miyerkoles, kung saan naaresto ang 8 taong itinuturing na high-value target.
Sanib-puwersa ang Meycauayan police, Bulacan Provincial Police Office, Philippine National Police Drug Enforcement Group at Philippine Drug Enforcement Agency-Bulacan sa operasyong ikinasa sa may Barangay Pandayan.
Kasama sa mga nahuli ay ang isang lalaki at ang misis nito na 5 buwan na buntis.
Nakatago sa mga kahon ng Chinese tea box ang hinihinalang shabu, na umabot sa 10 kilo ang timbang, ani Lt. Col. Bernard Pagaduan, hepe ng Meycauayan police.
Dagdag ng pulisya, binabagsak muna sa Tondo sa Maynila ang droga bago dalhin sa ilang bahagi ng Central Luzon.
"Identified na natin kung sino 'yung mga nagdi-distribute. At this moment, we cannot divulge the true identity of the source pero abot kamay na," ani Police Brig. Gen. Rhodel Sermonia, director ng Police Regional Office (PRO) Central Luzon
Kakasuhan ang 8 nahuli ng paglabag sa Republic Act 9615 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. -- Ulat nina Angel Movido at Arra Perez, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPh, Tagalog news, krimen, rehiyon, regional news, Meycauayan, Bulacan, buy-bust operation, shabu, Philippine Drug Enforcement Agency