PatrolPH

'May katotohanan': Cebu City mayor aminadong matigas ang ulo ng mga Bisaya

ABS-CBN News

Posted at Jul 01 2020 04:41 PM


MAYNILA — Sinegundahan ni Cebu City Mayor Edgardo Labella ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Martes ng gabi kung saan sinabi nitong ang katigasan ng ulo ng mga Bisaya ang dahilan kaya lumobo ang COVID-19 cases doon.

"Mga Bisaya talaga, maski sa Davao, 'yung mga Bisaya doon, ang titigas talaga ng mga ulo. Hindi mo mapasunod. 'Yan ang totoo. 'Yan talaga, prangkahan ko kayo," ani Duterte.

Sabi ni Labella nitong Miyerkoles sa Teleradyo, may katotohanan ang mga sinabi ni Duterte. 

"We have to face the reality kasi sinabi nga ni Presidente kagabi na ang titigas daw ng ulo ng mga Bisaya. Medyo may katotohanan kasi si Presidente Cebuano rin. But that does not mean na hihinto tayo, we will continue until malabanan talaga natin ito," ani Labella.

Mananatili ang enhanced community quarantine sa Cebu City hanggang Hulyo 15, batay sa desisyon ni Duterte, upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.

Nabanggit ni Labella na katumbas ng total lockdown ang ipinatutupad na ECQ sa lungsod.

Sa ngayon, sabi ni Labella, nagdagdag na sila ng 80 grupo ng contact tracers na sinasanay para ipadala sa mga barangay ng lungsod.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.