PatrolPH

ALAMIN: Mga barangay sa Caloocan City na walang tubig simula Hulyo 1

ABS-CBN News

Posted at Jul 01 2020 02:30 PM

MAYNILA — Nag-abiso ang water concessionaire na Maynilad nitong Miyerkoles sa mga kostumer nila sa Caloocan City na magkakaroon ng water interruption ang ilang lugar doon simula ngayong gabi. 

Magsisimula ang kawalan ng tubig simula alas-6 ng gabi na tatagal nang 10 oras o hanggang alas-4 ng madaling araw Huwebes.

Kabilang sa mga lugar na may water interruption ay Barangays 167 hanggang 171.

Ang water service interruption ay bunsod ng isasagawang leak repair sa Deparo Road corner T. Samson.

Inaabisuhan ang mga konsumer na mag-ipon na ng tubig na sapat sa oras ng water interruption.

—Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.