5 lalaki huli sa umano'y pagnanakaw ng truck sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Jul 01 2020 02:06 PM

 

Arestado ang 5 lalaki sa umano’y pagnanakaw ng truck sa Maynila, ayon sa public information office ng siyudad nitong Miyerkoles.

Sinabi sa ulat ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na unang pinatigil ng mga awtoridad ang 10-wheeler truck dahil hindi ito sumusunod sa truck lane sa may Lacson Avenue sa Sampaloc.

Nang sitahin ito, sinabi ng isa sa mga suspek na si Michael Sarmiento, 26, na bagong tow o hatak ang sasakyan.

Nang manghingi na ng papeles ay wala umanong maibigay ang mga suspek at tinangka pa sila umanong bayaran ng P2,000, dagdag ng mga awtoridad

Kasamang inaresto sina Mike Anthony Mañosca, 27, Eljohn Dela Peña, 24, Miguel Balasabas, 39, at Ramil Erlandez, 27. 

Sa ngayon, pinaghahanap pa ng pulisya ang tatlo pa nilang kasamahan na sina Jayson Samin, Jayson Apalit, at Bryan Cañeda matapos tumakas sa insidente.

Haharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Anti-Carnapping Act at robbery extortion. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.