PatrolPH

Puganteng Koreano, arestado sa NAIA

ABS-CBN News

Posted at Jul 01 2019 12:35 PM

MAYNILA - Arestado ang isang puganteng Koreano sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 nitong Lunes.

Hinarang sa airport si Chung Chan Ik matapos lumabas sa database ng Bureau of Immigration na mayroon itong derogatory record.

Ayon kay Immigration port operations division chief Grifton Medina, convicted ang suspek sa mga high-tech and intellectual property crimes sa Seoul Central District Prosecutor’s Office sa Korea.

Kasama rin ang suspek sa red notice mula Interpol noong Hunyo 18, ayon kay Rommel Tacorda, head ng BI Border Control and Intelligence Unit.
 
Nadiskubre rin na kasama na si Chung sa blacklist ng Immigration at hindi na papayagang makabalik pa sa bansa.

--Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.