'Kilalang tulak,' 5 iba pa, timbog sa Antipolo anti-drug operation

ABS-CBN News

Posted at Jul 01 2019 02:44 PM | Updated as of Jul 01 2019 07:33 PM

Natimbog ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isa umanong kilalang tulak at 5 iba pa sa isang anti-drug operation sa Antipolo City.

Watch more in iWant or TFC.tv

Target ng PDEA Special Enforcement Service (SES) sa operasyon na ikinasa noong Biyernes ang tulak na si alyas "Indoy" at isang alyas "Toto." 

Inaresto rin ang 4 iba pang kasama nina "Indoy" at "Toto" na umiiskor umano ng droga.

Nasa 24 sachet ng hinihinalang shabu na may halagang P340,000, 16 sachet ng pineapple kush, baril, at mga bala ang narekober sa operasyon.

Lumabas sa imbestigasyon na may dati nang kasong robbery laban kay "Indoy," na dating miyembro ng small-time robbery group, ani PDEA-SES agent Romy Matias.

Tumangging magbigay ng pahayag ang mga naaresto.

--Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.