College student timbog sa paggamit umano ng marijuana sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Jul 01 2019 07:21 AM

MAYNILA - Arestado ang isang college student matapos gumamit umano ng marijuana sa Sampaloc, Maynila nitong Lunes.

Nakuhanan ng isang glass tube pipe na may lamang hinihinalang marijuana ang estudyanteng si Bryan Lokisam, isang 19-anyos na culinary arts student.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na kasama siya sa drugs watchlist.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek.

--Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.