TFC News

TINGNAN: Pinay Senior Citizen, wagi sa recycled clothing contest sa Dubai

Milanie Sanchez Regalado | TFC News UAE

Posted at Jun 30 2022 08:12 PM

DUBAI - Panalo sa recycled clothing contest ng 124th Philippine Independence Day celebration ang 65-taong gulang na Household Service Worker na si Marissa Postre na taga-Camarines Sur.

Senior citizen panalo sa costume contest

Gumamit sya ng sako ng bigas, plastic spoons, water bottles, takip ng milk cartons at mga scrap paper mula sa modules ng kanyang mga alaga para mabuo ang kanyang agaw-pansin na gown. 

Damit na gawa sa straw
BAckview

Inorganisa ng Filipino Social Club -Dubai ang recycled clothing contest sa Dubai World Trade Centre nitong June 25

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Europa, Gitnang Silangan at Africa, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.