TFC News

TINGNAN: Emirati singer, pinahanga ang mga Pinoy sa PH Independence celebration

Milanie Sanchez Regalado | TFC News UAE

Posted at Jun 30 2022 07:54 PM

DUBAI - Pinahanga ng Emirati singer na si Alira ang mga Pinoy nang mag-perform siya sa Dubai World Trade Centre para sa Philippine Independence Day celebration. 

Emirati singer
Kabilang sa mga kinanta ng male soprano ang Filipino songs na “Dadalhin”, “Bakit nga ba mahal kita” at “Isang Lahi.” 
Emirati sa harap ng PH flag
Ito ang unang pagkakataong kumanta ang isang Emirati singer sa Philippine Independence Day event sa Dubai. Inorganisa ito ng Emirates Loves Philippines at Philippine Business Council-Dubai. 
Kumakantang Emirati
confetti
Para sa mga nagbabagang balita tungkol sa ating mga kababayan sa Europa, Gitnang Silangan at Africa, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.