MAYNILA - Tiniyak ni Pope Francis na ipapanalangin nito si President-elect Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at ang bansa.
Binasa ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown sa Pope’s Day Mass noong Miyerkoles sa Manila Cathedral ang pagbati ng Santo Papa kay Marcos.
Sa mensahe, sinabi pa ni Pope Francis na hinihiling din niya sa Diyos ang pagpapala sa bansang Pilipinas.
(Arch. Charles John Brown reading Pope Francis’s message)
(6:54 PM / 54 mins into live)
“I send you my congratulations and cordial good wishes to Your Excellency as you begin your mandate as President of the Republic. In assuring you of my prayers that you will be sustained in wisdom and strength, I invoke Almighty God’s blessings of peace and prosperity upon the nation.”
Kinuwento rin ni Brown na siniguro niya sa kanyang pagbisita kay Marcos Jr. noong Hunyo 10 ang suporta at pakikiisa ng Simbahang Katolika sa administrasyon niya.
“He can be sure of the collaboration and support of the Catholic Church and the Holy See as he takes on the weighty responsibilities of his office.”
Matatandaang ang simbahang Katolika ang isa sa mga nanguna sa EDSA revolution na nagpatalsik sa ama ni Marcos na si Ferdinand Marcos Sr.
Naging kritiko naman ang maraming pari sa isinagawang drug war at iba pang paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ni outgoing Pres. Rodrigo Duterte.
Inalala din ni Brown ang ika-500 anibersaryo ng pagdating ng Katolisismo sa Pilipinas at ang pagsimula ng diplomatikong relasyon ng Pilipinas sa Vatican noong 1951 kay Pangulong Elpidio Quirino.
Bukod sa Pope’s Day, ipinagdiriwang ngayong Miyerkoles ang Solemnity o Pista nina San Pedro at Pablo, na nanguna sa pagpapalawig ng Kristiyanismo sa unang siglo ni Kristo.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.