PatrolPH

Factory worker na pinasweldo ng mga sentimong barya hahanapan ng trabaho ng LGU

ABS-CBN News

Posted at Jun 30 2021 03:13 PM | Updated as of Jun 30 2021 03:14 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Handa ang Valenzuela City local government na bigyan ng bagong trabaho ang factory worker na sinuwelduhan ng mga sentimong barya ng kaniyang dating kompanya. 

Sa TeleRadyo, sinabi ng alkaldeng si Rex Gatchalian na marami namang maayos na employer sa lungsod, kaya tiyak na may paglilipatan ang factory worker na si Russel Mañoza. 

"Handa na kaming i-deploy siya ulit sa mas maayos at mas reputable na pabrika dito sa Valenzuela City, kasi marami namang naghahanap ng mga operator ng machine katulad ni Russel na may skills," ani Gatchalian. 

Sinuspinde na ng lokal na pamahalaan ang operasyon ng Nexgreen Enterprises- ang kompanyang inireklamo ni Mañoza. 

Sinabi ng lokal na pamahalaan na may paglabag sa labor practices ang kompanya kabilang ang hindi pagbabayad ng overtime, night differential at holiday pay.

May paglabag din umano sa Civil Code Law ang kompanya kabilang ang mayor’s permit at hindi pagbabayad ng buwis. 

Isasara ang kompanya nang 15 araw hanggang sa makakuha ng lisensiya. 

Humingi na ng paumanhin ang kompanya kay Mañoza, pero magsasampa ang LGU ng kaso laban sa kompanya. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.