Magandang Maynila: Lagusnilad Underpass, linagyan ng makulay na mural

ABS-CBN News

Posted at Jun 30 2020 03:33 PM

 

MAYNILA — Tampok sa bagong pintang mural sa Lagusnilad Underpass ang ilang makasaysayang pangyayari sa Pilipinas.

Sa Facebook post ni Manila City Mayor Isko Moreno, makikita sa mural ang ilang mga pangyayari katulad ng laban sa Mactan, pag-aalsa ng Katipunan at ang pambansang bayani na si Jose Rizal.

"Murals sa mga pader para maaliwalas para sa mga dadaan," sinabi ni Moreno sa kanyang Facebook post.

Una nang ipinakita ni Moreno nitong Hunyo 19 ang ilang mga "upgrade" sa naturang lugar.

Matatandaang, isa ang Lagusnilad Underpass sa naging target ni Moreno para ayusin sa ilalim ng kanyang termino bilang alkalde ng lungsod.