Dalagita pinatay umano ng lalaking pinagbintangang nagnakaw ng aso

ABS-CBN News

Posted at Jun 30 2020 08:06 PM

DAVAO CITY - Nakitang lumulutang na lang sa sapa ang bangkay ng isang 13 anyos na babae, sa Barangay Panalum, Paquibato District, Davao City, Lunes ng hapon.

Unang ini-report ang bata na “missing” dahil hindi nakauwi noong Linggo ng gabi.

Ang itinuturong suspek, ang 45-anyos na lalake na purok chairman sa kanilang lugar.

Nakita umano ito ng kapatid ng biktima na huling kasama niya.

Sa imbestigasyon, nakita ang sapatos ng biktima sa bahay ng suspek.

Ayon kay Police Captain Mervin Montecillo, ang Station Commander ng Paquibato Police, inamin din ng suspek na siya ang may gawa ng krimen. Nagalit umano ito sa biktima dahil pinagbintangang siya ang nagnakaw ng aso nito.

Kasalukuyan pang hinihintay pa ang resulta ng autopsy ng biktima.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.