42 sa 57 pasyente ng coronavirus sa Ormoc, nakarekober

ABS-CBN News

Posted at Jun 30 2020 11:49 PM

Mula sa 57 kaso ng COVID-19 sa Ormoc City, 15 na lang ang active cases sa siyudad nitong Martes matapos na makarekober ang 42 pasyente.

Nakikita rin ni Ormoc City Mayor Richard Gomez na malaking bagay ang temporaryong pagpatigil muna sa pagpauwi ng mga stranded individual sa rehiyon.

"Punong-puno na 'yung housing facility namin. Kailangan talaga maka-graduate para lumuwag ng konti para there's time to disinfect, there's time to at least ayusin 'yung mga materials," aniya.

Sa kabila nito, panawagan ng alkalde sa publiko na huwag magkumpiyansa. 

Ayon kay Gomez, importante pa rin ang pag-iingat para makaiwas sa COVID19.

Naniniwala ang alkalde na ang pagkakaroon ng tamang kaalaman at ang tamang pag-iingat ay malaking bagay upang makaiwas dito. - Ulat ni Jenette Fariola-Ruedas, ABS-CBN News