2 patay, 3 sugatan sa sunog sa residential area sa Pasig

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Jun 30 2020 07:49 AM | Updated as of Jun 30 2020 07:50 AM

MAYNILA - Patay ang 2 katao at 3 ang sugatan sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Barangay San Joaquin, Pasig nitong Martes ng madaling araw.

Nasawi si Rodolfo Eguillos, 40, at kaniyang 10-anyos na anak na lalaki, ayon kay Fire Supt. Douglas Guiyab, fire marshall ng Bureau of Fire Protection-Pasig.

Nagtamo ng third degree burn sa mukha at mga sugat sa binti ang isang Marie Antonette, nasugatan sa likod ang isang John Rofer Eguillos, at nagtamo ng first degree burn sa kaliwang paa si Fercilina Eguillos.

Sumiklab ang sunog pasado ala-1 ng madaling araw sa bahay ni Merlina Dalayday at agad iniakyat sa unang alarma ang sunog matapos lamunin ang buong bahay na gawa sa light materials. Naapula ito ala-1:50 ng madaling araw.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad. Nasa P200,000 ang danyos ng sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.