Sinibak na mayor ng Malay, Aklan, nanumpa sa kabila ng utos mula DILG

Regi Adosto, ABS-CBN News

Posted at Jun 30 2019 06:19 PM

Nanumpa nitong Linggo bilang mayor ng bayan ng Malay, Aklan si Ceciron Cawaling sa kabila ng dismissal order at perpetual disqualification na inilabas ng Department of the Interior and Local Government (DILG) noong Abril 15 kaugnay ng isyu sa Boracay.

Nitong Hunyo 27, naglabas ng advisory ng DILG na si Vice Mayor-elect Fromy Bautista ang magiging acting mayor ng bayan.

Sa kabila nito, nanindigan si Cawaling na mayroon siyang certificate of statement of canvass, oath of office, at certificate of proclamation mula sa Commission on Elections (Comelec) kaya humarap siya sa kaniyang supporters nitong Linggo ng umaga.

Ayon naman sa DILG, hindi nila kinikilala ang pagiging mayor ni Cawaling at kailangan nitong harapin ang kaniyang naging aksyon sa kabila ng mga naunang order.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.