Isko Moreno: Mga dokumento ng Manila gov't di pa rin naibibigay ng Erap admin

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Jun 30 2019 02:02 PM | Updated as of Jun 30 2019 02:52 PM

MANILA -- Sinabi ni Manila Mayor Francisco "Isko" Moreno ngayong Linggo na hindi pa naibibigay sa kaniya ng nakaraang administrasyon ni dating mayor Joseph "Erap" Estrada ang mga dokumento ng city government. 

Hindi aniya sumipot ang mga kinatawan ng Estrada sa pagpupulong ng 2 kampo noong Biyernes para sa turnover ng mga naturang papeles. 

"The transition committee should prepare the documents. But they did not. In fact, it's worse -- hindi sila sumipot," sabi ni Moreno sa mga reporter sa kaniyang oath-taking bilang alkalde. 

"Wala naman tayong choice [but] to go on with our lives. Alam mo, kung wala ka namang tinatago, bakit hindi mo ibigay ang mga dokumento," dagdag niya. 

Tiniyak naman ng bagong alkalde na magpapatuloy ang mga proyekto ng kaniyang administrasyon sa kabila ng insidente. 

Pinangunahan ni Chief Justice Lucas Bersamin ang panunumpa ni Moreno, habang nagsilbi bilang videographer si Jason Magbanua sa event sa bulwagan ng Manila city hall. 

Binansagan ni Moreno na "makasaysayan" ang kaniyang oath taking. Aniya, "Ang isang basurero pwede palang maging alkalde ng Maynila." 

"It's a moment for every citizen of Manila kasi para sa kanila 'to, hindi naman para sa amin," dagdag niya. 

Magbibigay ng "State of the City Address" si Moreno sa munisipyo, Lunes. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.