Drug suspect patay nang makipagbarilan sa pulisya sa Lipa City

ABS-CBN News

Posted at Jun 30 2019 03:57 PM | Updated as of Jun 30 2019 05:58 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Napatay sa buy-bust operation sa Lipa City, Batangas ang isang lalaking miyembro umano ng drug group matapos siyang makipagbarilan sa mga umaarestong pulis.

Ikinasa noong Biyernes ng intelligence branch ng Batangas Police Provincial Office (PPO) ang operasyon laban kay Christian Borja, alyas "Ichan," na 2 linggo na nilang minamanmanan.

Si Borja ay malapit umanong tauhan ni Elvis Areglo, ang umano ay lider ng Areglo Drug Group na napatay sa pananambang noong Setyembre, ayon kay Police Lt. Col. Erwin Emelo ng Batangas PPO.

Patunay umano sa pagiging miyembro ni Borja sa grupo ang tattoo niya sa tuhod.

Matapos magpositibo sa operasyon, pumalag umano ang suspek sa aaresto sa kaniyang pulis, dahilan para magkaroon ng barilan.

Dinala sa ospital si Borja pero binawian din ng buhay.

Narekober sa pinangyarihan ng engkuwentro ang nasa 4 na basyo ng bala at ang marked money.

Nasa P10,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa suspek.

Patuloy naman ang manhunt operation ng pulisya laban sa kasama ng suspek. --Ulat ni Jonathan Magistrado, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.