9 sugatan sa salpukan ng 2 tricycle sa Negros Occidental

ABS-CBN News

Posted at Jun 30 2019 08:03 PM

Siyam na tao ang sugatan sa salpukan ng dalawang tricycle Sabado ng hapon sa bayan ng Ilog sa Negros Occidental.

Base sa imbestigasyon ng traffic section ng Philippine National Police (PNP), patungong norte na direksyon ang tricycle na minamaneho ng isang 21 anyos na babaeng driver na may sakay na dalawang pasahero.

Nang makarating sa Crossing Ambush sa Barangay Manalad, nabangga nito ang sumasalubong na tricycle na may kargang limang pasahero.

Sugatan na dinala sa ospital ang dalawang driver at pitong mga pasahero nila.

Napag-alaman na walang lisensiya ang 21 anyos na drayber ng tricycle.

Inimpound naman sa police station ang dalawang tricycle habang hinihintay kung makikipag-areglo ang mga nasugatang pasahero.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.