Babaeng nanuhol umano sa pulis, kalaboso

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Jun 30 2018 09:55 AM

MAYNILA - Sa kulungan ang bagsak ng isang babae matapos umanong suhulan ang isang pulis kapalit ng kalayaan ng kaniyang anak sa Caloocan City, Biyernes ng gabi.

Kinilala ang suspek sa alyas na Stephanie, 65 anyos. 

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nagtungo si Stephanie sa tanggapan ng Station Drug Enforcement Unit ng Caloocan Police sa Samson Road, kasama ang 1-taong gulang na anak at dala ang isang puting paper bag.

Dito na umano nito sinuhulan ang desk officer on duty ng humigit kumulang P50,000 cash kapalit ng kalayaan ng kaniyang anak na babae na naaresto Biyernes ng hapon dahil sa pagkakasangkot sa ilegal droga. 

Mahaharap si Stephanie sa kasong paglabag sa Article 212 ng Revised Penal Code o corruption of public officials.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.