Babae patay sa sunog sa mismong kaarawan

Rod Izon, ABS-CBN News

Posted at Jun 30 2018 12:43 PM

Narekober ang bangkay ni Tina Gracio sa loob ng kaniyang bahay sa Barangay St. Francis 11 sa bayan ng Limay, Bataan. Danny Cumilang


LIMAY, Bataan – Sunog na sunog ang bangkay ng isang babae nang matagpuan sa kaniyang nasunog na bahay sa Barangay St. Francis 11 sa bayang ito, Huwebes. 

Sa ulat, bisperas pa lamang ng kaarawan ni Tina Gracio, 32, ay nakipag-inuman na siya sa kaniyang mga kaibigan at kaanak sa mismong tahanan.

Laking gulat na lang ng mga kapitbahay nang biglang masunog ang bahay ng biktima madaling araw ng Huwebes.

Natagpuan ang kaniyang bangkay matapos maapula ang apoy.

Patuloy na iniimbestigahan ng awtoridad ang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.